ipinasara
International

Public transport sa Wuhan City, China, ipinasara dahil sa coronavirus outbreak

NAPILITANG ipasara ng mga otoridad ang lahat ng public transport palabas ng Wuhan City sa China dahil sa patuloy na paglala ng kaso ng coronavirus sa bansa.

Simula ngayong Huwebes ay kanselado na ang lahat ng flights at train services palabas ng syudad kung saan nagsimula ang pneumonia outbreak.

Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente sa Wuhan na huwag munang umalis ng syudad matapos kumalat ang sakit sa iba pang Chinese Cities maging sa labas ng bansa tulad ng South Korea, Japan, Thailand, at Amerika.

Sa ngayon ay umabot na sa labimpito ang bilang ng mga nasawi mula sa new coronavirus habang nasa mahigit limandaan na ang naitalang apektado ng misteryosong respiratory illness simula ng pumutok ang outbreak noong Disyembre 2019.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *