Pub-chain leader, hinihimok na suportahan ng susunod na PM ang mga kainan sa Japan

Pub-chain leader, hinihimok na suportahan ng susunod na PM ang mga kainan sa Japan

HINIHIMOK ng pub-chain leader ng Japan na suportahan ng susunod na Punong Ministro ang mga kainan sa Japan.

Ayon kay Miki Watanabe, Chief Executive ng Japanese pub-chain na Watami na suportahan ng susunod na Punong Ministro ng Japan ang mga restaurant na naapektuhan ng COVID-19.

Nagsilbi ng anim na taon si Watanabe sa parliament na dating politico na may magandang kaugnayan sa papalabas na Punong Ministro na si Yoshihide Suga.

Ang ruling Liberal Democratic party ng Japan ay pipili ng bagong lider sa Setyembre 29 na siya namang papalit bilang Punong Ministro ng bansa.

Si Watanabe ay isa sa mga sikat na kritiko ng gobyerno ukol sa mga hakbang na ipinapatupad nito sa mga restaurant.

‘’The contenders for the LDP leadership have pledged to respond to the pandemic and roll out fresh stimulus to ease the pain, but whoever succeeds Suga, the food service industry will face a “long battle” with COVID-19. Government compensation for businesses impacted by the curbs was too generous for small firms but insufficient for larger companies like Watami, making it “unbalanced and unfair,’’ayon kay Watanabe.

“We want the new government to pay fair compensation for the business suspensions in accordance with the size of businesses so that everybody would shoulder a fair amount of losses,” dagdag nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *