PUA
National

PUA, kinilala ang SMNI News Channel at DZAR Sonshine Radio 

KAMAKAILAN ay kinilala ng Philippine Urological Association (PUA) ang mga organisasyon na naging katuwang nito sa pagsusulong ng kanilang mga adbokasiya.

Ginanap ito sa 61 anibersaryo ng PUA sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Kabilang sa mga ito ang SMNI News Channel at ang DZAR Sonshine Radio.

Kung saan natatalakay ang mga katanungan ng publiko.

Patungkol ito sa urology o ang branch ng medisina o pag-aaral na may kinalaman sa function, disorders at treatment ng urinary system.

Ang mga ito ay ang programang Usaping Bayan, at ang Healthy Chat at Sonshine.

Ang mga nasabing programa ay nagiging daan upang bigyang impormasyon ang ating mga kabababayan dito sa bansa at abroad.

Kungsaan ay tinatalakay ang usapin ng kalusugan kabilang na ang mga problema sa urinary system.

Nakakapagtanong mismo sa mga eksperto at personal na nabibigyan ng free medical assistance ang mga nangangailangan.

Lubos naman ang pasasalamat ng Philippine Urological Association sa SMNI News Channel at DZAR Sonshine Radio.

Dahil sa walang sawang pagtulong nito sa kanilang mga adbokasiya.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *