Psychological debriefing
National

Psychological debriefing ng mga estudyanteng saksi sa pagpaslang ng isang estudyante, isasagawa

NAKATAKDANG magsagawa ng psychological debriefing ang Department of Education (DepEd) para sa ilang estudyante ng Castor Alvair National High School sa Calamba, Laguna.

Kasunod ito ng naganap na pamamaril sa isang Grade 7 student sa loob ng nasabing paaralan, kahapon ng tanghali.

Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, nakatakdang hanapin at suyurin ng ahensya ang lahat ng estudyanteng saksi sa insidente upang bigyan ng psychological intervention.

Ito ay upang matulungan ang mga menor-de-edad na witnesses na maka-rekober sa posibleng trauma dulot ng insidente.

“The investigation of the incident is with PNP already. We will provide psychosocial debriefing to all witnesses. Classes suspended in the concerned school today to prepare for post debriefing,” pahayag ni Sevilla.

Suspendido naman ang pasok ngayong araw sa naturang paaralan kasunod na rin ng mandato ng DepEd.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *