PSMS Jonel Nuezca, tanggal na sa pagiging  pulis epektibo ngayong araw

PSMS Jonel Nuezca, tanggal na sa pagiging pulis epektibo ngayong araw

SINIBAK na sa serbisyo si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na namaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.

Ito ang inanunsyo PNP Chief Police General Debold Sinas matapos maresolba ng PNP Internal Affairs Service ang administrative case ni Nuezca para sa grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer

Epektibo ang dismissal case ni Nuezca ngayong araw.

Kahapon nang maghain ng not guilty plea si Nuezca sa pagpatay kina Sonya at Frank Gregorio sa kabila ng ebidensiya na nakuha sa video at mga testimonya ng mga testigo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *