PRRD, nagbabala na kakampanya laban kay Gordon: ‘unfit public service’

PRRD, nagbabala na kakampanya laban kay Gordon: ‘unfit public service’

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon na magkakampanya ito laban sa senador dahil sa pagiging ‘unfit’ nito sa posisyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ipinangako nito na mangangampanya siya laban kay Gordon kapag tumakbo ito sa public office sa 2022 elections.

Mababatid na si Gordon ang nangunguna sa imbestigasyon sa Senado kaugnay sa diumano’y iregularidad sa naging gastos ng gobyerno para sa COVID-19 response.

Iginiit naman ni Pangulong Duterte na walang korapsyon at overpriced sa likod ng emergency purchases.

Inihayag din ng Pangulo na ang mga senador na nagsasagawa ng legislative inquiries ay atat sa exposure bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *