Provincial Command Post sa Claveria, Cagayan operational na

Provincial Command Post sa Claveria, Cagayan operational na

OPERATIONAL na ang Provincial Command Post sa bayan ng Claveria sa lalawigan ng Cagayan na siyang mangangasiwa sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lugar.

Bilang tugon sa lumalalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Claveria ay ginawa ng operational ang Provincial Command Post na magiging katuwang ng lokal na pamahalaan laban sa virus.

Ang pagtatayo ng Provincial Command Post ay sa utos na rin ni Gov. Manuel Mamba matapos na hindi magawang masolusyonan ni Claveria Mayor Celia Layus ang problema sa paglobo ng mga kaso sa nasabing bayan.

Sa pamumuno ni Dr. Carlos Cortina III, Provincial Health Officer ay pinasimulan na ang pagpapatrolya kamakailan sa pinagsamang puwersa ng Philippine Marines sa pangunguna ni Lt. Francis Ramirez, Claveria Police Station at CPIO sa mga Brgy. na nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad sa quarantine protocols sa lugar.

Nagpulong din si Dr, Cortina kasama ang Municipal Health Officers Dr. Melrose Tangonan upang talakayin ang naging ugat sa paglala ng virus kung saan napag-alaman na mayroong 106 COVID-19 positive ang naka-home quarantine at agad na iniulat ito sa Brgy Isolation Unit Extension.

Bunsod nito ay iminungkahi ni Dr. Cortina at Municipal IATF na gamitin na ang mga eskwelahan para pagdalhan sa mga naka-home isolation matapos na mapuno ang mga isolation unit sa mga Brgy. na maraming active cases.

Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang MHO sa mga eskwelahan na gagamitn bilang isolation units matapos na aprubahan ito ng DepEd habang patuloy na minomitor ng Provincial Command Post ang lugar.

(BASAHIN: Nationwide simultaneous Bike for Peace and Justice para sa mga naging biktima ng CPP-NPA-NDF isinagawa sa Cagayan)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *