driver ng Grab
Business Metro

Protesta ng mga TNVS driver ng Grab, umarangkada

UMARANGKADA na ang protest caravan ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver ng Grab, isang  ride hailing service,  sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Sa kahabaan pa lamang ng Quezon City Memorial Circle patungo sa LTFRB, sabay-sabay na nagbusina ang ilang Grab driver-partners bilang bahagi ng kanilang protesta.

Hiling ng mga ito na payagan pa rin sila mag-operate dahil ang pagmamaneho lamang ang kanilang ikinabubuhay.

Umaasa rin ang grupo ng grab-drivers na papabor sa kanila ang resulta ng public hearing ng LTFRB at Grab ngayong araw sa tanggapan ng ahensya.

Pinagpapaliwanag kasi ng LTFRB ang Grab ukol sa pag-deactivate sa 8,000 driver nito kahapon.

Samantala, nagdudulot naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar ang isinasagawang noise barrage dahil sakop nito ang isang linya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *