Proseso para sa common towers ng mga telcos, pinaiksi ng ARTA

Proseso para sa common towers ng mga telcos, pinaiksi ng ARTA

ISA sa matagumpay na ginawa ng Anti-Red Tape Authority o ARTA kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno ang pagpapaiksi sa proseso ng mga common tower ng mga telecommunication company o telcos.

Ito ang inihayag ni Atty. Jeremiah Belgica, Director General ng ARTA sa panayam ng SMNI News.

“Ginawa ng ARTA, kasama ng DICT, DILG, DOTR at pati DOH ay ‘yong pinaiksi natin proseso sa mga common towers sa mga telcos na dating eight months ginawa natin 16 days na lamang.”

—Atty. Jeremiah Belgica, Director General ARTA

Hindi lamang ‘yan, inilahad din ng ARTA na mag pinadali din nila ang pag-proseso ng pagkuha ng mga papeles ng mga logistics.

Sa ngayon, gagawin ng ARTA na iisa na lang ang gagamitin nilang sticker.

Kasabay nito, gagawin rin ng ARTA ang isang central business portal para doon na lamang nila kunin lahat ng mga papeles na kailangan nilang kunin sa kanilang negosyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *