Proposed National Budget
National

Proposed National Budget, positibo na maipasa bago ang October deadline

POSITIBO si House Speaker Alan Peter Cayetano na maipapasa nila sa Kamara ang 2020 Proposed National Budget bago ang kanilang deadline sa Oktubre 4.

Sa kaniyang pagdalo sa National Heroes Day Celebration sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Cayetano na mabilis ngayon ang paghimay ng mababang kapulungan sa pambansang pondo kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Nasisiyahan din si Cayetano sa takbo ngayon ng budget deliberation kung saan overtime ang ginagawang budget sessions ng mga mambabatas kasabay ng transparent na budget process.

Balak ng liderato ng Kamara na magsagawa ng apat na budget deliberations araw-araw kasama na ang Huwebes at Biyernes upang masiguro na makakamit ang deadline.

Tiniyak din ni Cayetano na walang magaganap na budget impasse ngaySong 18th Congress.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *