senador at party-list
National

Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list posibleng sa Martes

POSIBLENG sa Martes pa, Mayo 21, maipoproklama ng Comelec ang mga nanalong senador at party-list groups sa 2019 Midterm Elections.

Ito ay matapos ipagpaliba kahapon ng Comelec ang nakatakdang proklamasyon sa mga nanalong kandidato.

Sinabi ni Comelec Information and Education Department Director Frances Arabe na hinihintay pa ng Comelec en banc na pumasok ang lahat ng natitirang Certificate of Canvass (COCs) mula sa iba’t-ibang lugar.

Kabilang dito ang nasa higit dalawang milyong boto mula sa US, Japan, Saudi Arabia, Isabela, at Zamboanga del Sur.

Isinisi ng Comelec ang delay sa ilang overseas votes sa mga na-corrupt na SD cards.

Samantala, hinihintay pa ng Comelec ang kompirmasyon ng Malakanyang kung makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation ng mga nanalong senador at partylist group sa Martes.

Sinabi ni Comelec Arabe na isang araw na lamang idaraos ang proclamation.

Ayon kay Arabe, target ng Comelec na isagawa ang proclamation sa mga nanalong party-list groups sa umaga ng Martes at sa hapon naman ang mga nanalo sa pagka-senador.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *