processed meat products
Business

Presyo ng ilang processed meat products, nakaambang tumaas

NAKAAMBANG magkaroon ng taas-presyo ang ilang processed meat products sa susunod na mga buwan.

Ito ay dahil sa posibleng pagbaba ng supply ng mga karne baboy bunsod ng banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon Philippine Association of Meat Processors Inc., kabilang sa mga posibleng magtaas ay ang hotdog, ham at bacon.

Tinatayang 30 hanggang 40% ang posibleng dagdag presyo sa inaangkat na bahagi ng baboy na ginagamit sa bacon habang halos doble ang inaasahang pagtaas sa bahagi na ginagamit sa ham.

Gayunman, tiniyak ng PAMPI na hindi ganoon kataas ang dagdag presyo sa retail price o sa mga pamilihan dahil anila baka lalong lumiit ang kanilang kita.

Plano na lamang ng grupo na liitan ang ibebentang ham sa papalapit na kapaskuhan dahil sa taas-presyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *