empleyado ng PhilHealth
Health

Problema sa PhilHealth, posibleng maging hadlang sa Universal Health Care Program

POSIBLE umanong hindi lubos maramdaman ang benepisyong makukuha sa Universal Health Care (UHC) Law kapag hindi agad masolusyunan ang mga problema sa PhilHealth.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, hindi malayo na bumaba pa ang availment rate ng PhilHealth kasunod ng mga ulat na may malawakang fraud sa PhilHealth claims.

Sa ngayon ay mayroong 66% na availment rate ang PhilHealth na posibleng bumaba pa dahil sa komplikadong claiming process.

Pinuna rin ni Quimbo ang mababang protection rate ng PhilHealth na ngayon ay nasa 15% lang.

Nabatid na sa P100 na binabayaran ng pasyente sa ospital ay P15 lang ang sagot ng PhilHealth.

Kaugnay nito, nanawagan ang kongresista sa Department of Health na seryosohin ang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations ng UHC Law.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *