Private planes
National

Private planes at sea port, bagong modus sa pagpasok ng iligal na droga sa bansa

PRIVATE planes at sea port ang bagong modus ngayon ng iligal na droga.

Ito ang inanunsiyo ngayon ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa press briefing ng pagpapasinaya ng project Sagip Batang Solvent sa Quezon City.

Ayon kay Aquino may isang informant ang nagbigay sa kaniya ng impormasyon na taong 2008 pa ang modus na ito ng mga drugs syndicate.

Ang mga private planes na pwedeng mag-land sa dagat ay nagpapalutang pala ng mga iligal na droga at nata-trace gamit ang buoy na ginagawa sa Palawan.

Dahil dito iminumungkahi ni Aquino na magkaroon ng Interagency Task Force na dapat tumutok dito na magsasagawa ng mga inspection sa mga private airstrips at seaports sa bansa upang masawata ang nasabing modus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *