Private plane
Regional

Private plane, bumagsak sa isang resort sa Pansol, Laguna

SIYAM ang kumpirmadong patay at dalawa ang sugatan matapos bumagsak ang isang private plane sa Agojo Private Resort sa Miramonte Subdivision, Barangay Pansol, Laguna pasado 3:00 ng hapon kahapon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, batay sa manifesto ay walo lang dapat ang sakay ng medical evacuation aircraft na PE 350.

Kabilang sa mga nasawi ang piloto ng eroplano at co-pilot, isang doktor, dalawang nurses, dalawang foreigner at dalawa pang pasahero.

Habang nagtamo naman ng first degree burn sa mukha ang caretaker ng resort at 3rd degree burn sa mukha ang anak ng may-ari ng bahay na kung saan bumagsak ang eroplano.

Sa inisyal na imbestigasyon ng CAAP, nawalan ang Manila Control Tower ng radar contact sa nasabing eroplano pagdating ng Mount Makiling.

Nabatid na pumik-ap lamang ng pasyente ang eroplano sa Dipolog City Airport at pabalik na sana ng Maynila nang mangyari ang insidente.

Overloading ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa pagbagsak ng naturang eroplano.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *