Princess Mako, ikinasal na sa commoner boyfriend matapos ang ilang taong kontrobersiya

Princess Mako, ikinasal na sa commoner boyfriend matapos ang ilang taong kontrobersiya

IKINASAL na si Princess Mako ng Japan sa commoner boyfriend nito na si Kei Komuro matapos ang ilang taong kontrobersiya.

Ngayong araw ay ganap nang naging Komuro ang apelyido ng Japanese Princess na si Mako Akishino matapos ikasal sa commoner boyfriend nito na si Kei Komuro.

Si Princess Mako na pamangkin ni Emperor Naruhito ay tuluyan na ring inabanduna ang kanyang Royal status.

Dumalo rin ito sa press conference kaninang hapon sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon pero nagbigay laman ito ng opening remarks at written answers sa limang piniling katanungan na isinumite ng media.

Ang kakaibang press conference na ito ay para na rin umano sa kabutihan ng Prinsesa na nakaranas ng mental health condition matapos ang iba’t-ibang ulat ukol sa pinansyal na isyu ng nooy boyfriend nito na si Komuro.

Hindi naman pinalawig pa ng Prinsesa ang kanyang magiging buhay kasama si Komuro sa New York kundi nilinaw lamang na gusto niya ng kapayapaan sa bagong lugar na kanyang titirhan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *