Prime Minister ng Cambodia, hinikayat ang lahat ng opisyal ng gobyerno na magpabakuna kontra COVID-19

Prime Minister ng Cambodia, hinikayat ang lahat ng opisyal ng gobyerno na magpabakuna kontra COVID-19

PRIME MINISTER ng Cambodia hinihimok ang lahat ng opisyal ng gobyerno na magpabakuna kontra COVID-19.

Hinikayat ni Prime Minister Hun Sen ang lahat ng opisyal ng gobyerno na magpabakuna at nagbabala na mawawalan ang mga ito ng trabaho kung hindi sasali sa pagbabakuna.

Dahil dito ang bawat ministry ay kinakailangang magpasa ng ulat sa Ministry of Civil Service para malaman kung ilang dosis ng bakuna ang kinakailangang idagdag sa vaccine purchase ng gobyerno.

Ayon pa kay Hun Sen, ang mga indibidwal na hindi nabakunahan kontra COVID-19 ay ang pinaka-vulnerable at posibleng mahawaan ng sakit.

Dagdag pa nito na kung aabot lamang sa 70 porsyento ang pagbabakuna sa bansa, manatili na lamang ang mga empleyado sa mga tahanan at huwag na pumasok kahit kailan.

Sa kasalukuyan ay 1,069 na aktibong kaso na lamang ang nananatili sa bansa at 22 namang pagkasawi ang naitala mula rito.

(BASAHIN: Cambodia, nagpatupad ng ban sa paggamit ng E-cigarettes)

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *