Price freeze dapat ipatupad sa panahon ng MECQ —Sen. Marcos

Price freeze dapat ipatupad sa panahon ng MECQ —Sen. Marcos

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad muli ng ‘price freeze’ sa lahat ng mga pangunahing bilihin ngayong muling umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Dahilan ng senadora sa price freeze ay upang mapigilan aniya ang mga mapagsamantalang negosyante sa panahon ng MECQ.

Ayon kay Marcos, tiyak na sasamantalahin ng mga negosyante ang panahon ng MECQ upang itaas ng mga ito ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga merkado.

Woodprofit

Binigyan diin pa ni Marcos na kailangang bantayan ang presyo ng manok, baboy, isda, mantika, noodles, bigas, de latang sardinas, tinapay at iba pang mahahalagang produkto na kalimitan ay binibili ng mahihirap na consumers o mamimili.

Sen. Gatchalian may babala sa Meralco kaugnay sa di’ maipaliwanag na electric bill

Samantala, binalaan naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang Manila Electric Company o Meralco at iba pang mga Distribution Utilities o DUs sa posibleng pagbibigay ng hindi maipaliwanag na electric bill sa mga consumer kasunod ng muling pagsasailalim ng bansa sa MECQ.

Ayon kay Gatchalian, gayong nasa lockdown ulit ang Metro Manila ay baka hindi na naman makapagbasa ng metro ang Meralco at hulaan na lamang ang magiging consumption ng mga kostumer.

PHOTO JOB

Matatandaan na inulan ng napakaraming reklamo ang Meralco at iba pang DUs matapos ang mga naiulat na overestimation sa electric bill ng mga konsyumer sa mga buwan na umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Matatandaan naman na sinabi ng Meralco sa isang pagdinig sa Senado na ginawa nila ang estimation sa electric bill sa buwan ng Marso at Abril dahil sa hindi sila nakapagbasa ng metro sa kasagsagan ng lockdown.

Ayon sa kompanya, ginawa nila ang estimation base sa average consumption ng isang consumer mula Disyembre hanggang Enero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *