Indonesian national
National

Presyo ng shabu sa bansa, bumaba ayon sa PDEA

BUMABABA na ang presyo ng shabu sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).

Ito ang inihayag ni PDEA Spokesperson Derick Carreon sa isinagawang #realnumbersph presscon sa Camp Crame.

Kasama sina Philippine National Police Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durano Jr.

Kabilang si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Atty. Ana Marie Paz Rafael.

Ayon kay Carreon, bumagsak na sa P1,400 ang kada gramo ang presyo ng shabu.

Mula ito sa dating presyo na limang libo hanggang anim na libong piso kada gramo.

Batay din sa datos ng #realnumbersph, pumalo na sa 4,999 ang bilang ng mga napapatay sa mahigit isandaang libong drug operations.

Ikinasa ito mula Hulyo 1, 2016 hanggang Oktubre 31, 2018.

Umakyat naman sa isandaan animnapung libo ang naaresto na sangkot sa ilegal na droga.

Sa nasabing bilang na mga naaresto, animnadaan dito ay mga government employees, elected officials at uniformed personnel.

Habang 287 na law enforcement personnel ang na-dismissed sa serbisyo dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Samantala, nasa 258 na mga drug den at 13 clandestine laboratory ang nabuwag ng mga otoridad sa 27 buwan na war on drugs.

At nasa 8,935 naman mula sa 42,044 na barangay sa Pilipinas ang idineklara na drug free.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *