120 uri ng gamot
Health

Presyo ng nasa 120 uri ng gamot, posibleng tapyasan

NAKATAKDANG irekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtapyas sa presyo ng nasa 120 uri ng gamot bilang bahagi ng maximum drug retail price (MDRP) scheme.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Eric Domingo na kabilang sa listahan na dapat tapyasan ang presyo ay ang mga gamot sa sakit gaya ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung diseases, neonatal diseases, at iba’t ibang uri ng cancer.

Kasama rin umano sa talaan ang mahal na mga gamutan para sa chronic renal disease, psoriasis, at rheumatoid arthritis.

Sa ilalim ng MDRP scheme, nasa 56% ang bawas presyo sa piling mga gamot.

Umaasa ang DOH na matapos matanggap ang rekomendasyon ni Duque ay maglalabas ng Executive Order si Pangulong Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *