pangunahing bilihin
Business

Presyo ng ilang pangunahing bilihin, may dagdag presyo ngayong Setyembre

NAKA-ambang magkaroon ng taas presyo sa ilang pangunahing bilihin ngayong Setyembre ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Usec. Ruth Castelo, posibleng magkaroon ng 0.50 hanggang 1 na dagdag presyo ang ilang brands ng sardinas, instant noodles, gatas at kape.

Aniya, ito ay alinsunod sa hirit ng ilang manufacturers na pagbigyan na ang itinutulak na taas-presyo sa kagawaran noong pang buwan ng Agosto.

Bago mag-Setyembre 25 nakatakdang ilabas ng DTI ang bagong suggested retail price (SRP).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *