presyo ng bigas
National

Presyo ng bigas sa bansa, bumababa na

BUMABABA na raw ang presyo ng bigas sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Matapos makatanggap ng ulat na bumaba na ng P5 ang presyo ng commercial rice sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Ayon sa kalihim, ito na ang pinakamalaking pagbaba sa presyo ng bigas magmula nang sumirit ito sa simula ng taon.

Sinabi ni Piñol na bumaba ng P5 at P4 ang kada kilo ng bigas sa Cabanatuan at La Union.

Habang sa Metro Manila naman ay P1 kada kilo lang.

Umaasa ang kalihim na bababa pa ang presyo ng bigas sa katapusan ng Oktubre.

Sa oras na maipatupad na ng gobyerno ang Suggested Retail Price (SRP) para sa apat na variety.

SRP sa iba’t-ibang variety ng bigas, napagkasunduan na

NAPAGKASUNDUAN na ng gobiyerno at rice stakeholders ang suggested retail price (SRP) sa iba’t-ibang variety ng bigas sa bansa.

Ayon kay agriculture sec. Manny piñol, P38 ang SRP sa kada kilo ng imported rice, P39 sa regular local rice.

Nasa P42 naman sa well-milled rice, at P44 ang SRP para sa whole grain rice.

Habang wala pang SRP para sa special rice gaya ng Jasmine, Jasponica, Cordillera Heirloom Rice, Malido, Organic at Dinorado.

Sinabi ni Piñol na magkakaroon din ng classification ang mga bigas.

Kung mula ito sa Vietnam, Thailand, at Pakistan o mula sa Pilipinas.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *