National

Presidential Spokesperson Roque, hindi na haharap sa CA-Sen. Pimentel

HINDI na kailangan ng kumpirmasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque mula sa Bicameral Commission On Appointments (CA).
Kinumpirma ito mismo ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na siyang chairman ng bicameral body.
Ayon kay Pimentel, discretion na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtalaga sa presidential spokesperson gaya ng presidential legal counsel at executive secretary.
Sinabi ni Pimentel na hindi naman nagpapatakbo ng isang departamento ang presidential spokesperson hindi tulad ng ibang kalihim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *