President Rodrigo Duterte at Pastor Apollo C. Quiboloy, nagkita sa Davao City

President Rodrigo Duterte at Pastor Apollo C. Quiboloy, nagkita sa Davao City

NAGTUNGO si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City at nakipagkita sa matalik na kaibigan nito at spiritual adviser na si Pastor Apollo C. Quiboloy, matapos ang huling-araw ng paghahain ng COC para sa 2022 national elections kahapon.

Kasama ni Pangulong Duterte ang close aid nito na si Senator Christopher Bong Go sa pakikipagkita nito kay Pastor Apollo sa headquarters ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Tulad ng nakagawian isang simpleng hapunan ang kanilang pinag saluhan at syempre hindi mawawala ang ilan sa mga paboritong handa ni Pangulong Duterte tuwing bibisita ito, at kabilang na dito ang monggo, tinolang manok at tuyo.

Hindi man natin direktang matukoy, may mga iilang naging seryosong pag-uusap ang mag kaibigan at meron ding mga kasiyahan o katuwaan sa naganap nilang pagkikita.

Bago paman nagtungo si Pangulong Duterte sa Davao ay personal muna nitong sinamahan ang senatorial slate ng PDP-Laban na naghain ng kani-kanilang COC sa Sofitel kaninang hapon bilang pagsuporta sa kanilang mga kandidatura.

Samantala, inaasahan naman ang magiging pabaon na panalangin ni Pastor Apollo para kay Pangulong Duterte sa mga natitirang araw nito sa pamumuno sa Pilipinas sa gitna ng pandemya at kasama na rin sa panalangin ni Pastor Apollo ang lahat ng kandidato ng Partido.

.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *