President Biden, magdedeklara ng major disaster sa Texas

President Biden, magdedeklara ng major disaster sa Texas

NAKATAKDANG magdeklara si President Joe Biden ng major disaster sa Texas para sa karagdagang pondo na ilalaan para sa tulong.

Ilan pa sa 13 milyon katao ang nahihirapan ng pagkuha ng malinis na tubig sa kabila na bumalik na ang kuryente at pataas na ang temperatura sa lugar.

Halos 60 katao naman ang naitalang nasawi na may kaugnayan sa malamig na panahon.

Kabilang din sa nawalan ng tubig ang Jackson, Mississippi, tirahan ng 150, 000 katao at Tennessee kabilang ang Lungsod ng Memphis na may 651,000 residente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *