Pre-emptive evacuation
Metro

Pre-emptive evacuation, ipinatupad na ng ilang LGUs sa Metro Manila

NAGPATUPAD na ng pre-emptive evacuation ang city government ng Valenzuela, Maynila at Quezon dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Simula kaninang alas 8 ng umaga, ipinatupad ang pre-emptive evacuation sa Valenzuela City base na rin sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng lungsod.

Ipinag-utos rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang preemptive evacuation ng mga residente sa mga barangay ng Baseco Compound o Barangay 649, Barangay 275, Barangay 20, Barangay 105, Happyland sa Tondo at Barangay 101 na mga itinuturing na coastal villages.

Habang isinailalim sa forced evacuation ang mga residente ng Isla Puting Bato sa Tondo.

Sa Quezon City, naabisuhan na rin para mag-evacuate ang mga residente ng mga Barangay Bagong Silangan at Roxas District.

Handa na rin ang modular tents sa evacuation centers sa mga nasabing lugar at ang mga food items para sa mga evacuees.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *