Posisyon sa gobyerno, kinokonsidera ni Gen Cascolan matapos magretiro

Posisyon sa gobyerno, kinokonsidera ni Gen Cascolan matapos magretiro

OPISYAL nang bababa sa puwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Gen Camilo Pancratius Cascolan sa ilalim ng mandatory age retirement bukas Nobyembre 10.

Gayunpaman ay bukas si Gen Cascolan sa anumang posisyong i-alok sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kaniyang serbisyo bilang PNP Chief.

Nakatakdang magtapos ang kaniyang termino sa kaniyang ika-56th birthday na siyang mandatory age retirement.

Kung ang hepe ang tatanungin, sinabi nitong hindi siya titigil sa pagtatrabaho hanggang marating na ng PNP ang kaniyang pinapangarap na 9-point agenda sa ilalim ng kanilang Patrol Plan 2030.

Gayunman, ipinagmalaki ni Cascolan na bagama’t maikli lang ang kaniyang naging termino, naging makabuluhan at mabunga naman ito dahil kaniyang naibalik ang imahe ng mga pulis na disiplinado, respetado at responsable.

Samantala, bilang hepe, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa mga kadete ng Philippine National Police Academy na iwasang masilaw sa pera.

Aniya, mas dapat na ituon ng mga kadete ang kanilang sarili sa paglilingkod at pagbibigay ng proteksiyon sa publiko.

Sa katunayan, suportado nito ang binuong Mega Task Force na layong imbestigahan ang PhilHealth, Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Land Regulatory Authority batay na rin sa alegasyon ng korupsiyon.

Kamakailan lamang ay binanggit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maging ang PNP at Armed Forces of the Philippines ay hindi ligtas sa kanilang gagawing imbestigasyon sakaling may reklamo silang matanggap na sangkot sa katiwalian ang opisyal nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *