Northern Luzon
National

Posibleng pag-atake ng teroristang ISIS sa Northern Luzon, pinawi

HINDI dapat mangamba ang mga taga-Northern Luzon sa umano’y posibleng pag-atake ng teroristang grupo na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay 5th ID Commanding General Maj. Gen. Pablo Lorenzo, sinabi nito na hindi pa kumpirmado ang natanggap nilang intelligence report na tinatarget umano ng ISIS ang mga pilgrimage site sa Tuguegarao, Vigan, Laoag at Manaog.

Subalit hinihimok ni Lorenzo ang lahat na maging mapagmatyag at alisto sakaling may mga bagong mukha o kahina-hinalang mga aktibidad sa komunidad.

Samantala, tiniyak din ni Lorenzo na sapat ang puwersa ng militar sa lugar at magdaragdag lang sila ng tauhan sakaling makumpirma ang naturang ulat.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *