Pondo para sa 3 brand new at high-tech na C-130J plane, isinusulong sa 2022 budget

Pondo para sa 3 brand new at high-tech na C-130J plane, isinusulong sa 2022 budget

ISINUSULONG sa 2022 budget ang pondo para sa 3 brand new at high-tech na C-130J plane.

Aasahan na ang karagdagang air assets ng Philippine Air Force oras na maaprubahan ang budget sa ilalim ng 2022 proposed national budget.

Kung lulusot, 3 brand new at high-tech na C130 plane at mga fighter jets ang makukuha ng bansa.

Maganda ang naging resulta sa naganap na meeting ng Philippine Air Force at ng kongreso ngayong linggo.

Para ito sa request nilang bagong air assets sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program o sa proposed budget, hindi kasama ang pondo para sa karagdagang C-130J  plane.

Pero matapos ang meeting, inaprubahan ni House Speaker Lord Allan Velasco na ipasok ang budget para sa makabili ang gobyerno ng 3 brand new na C-130J plane.

“Hiningi ng Philippine Airforce kay Speaker Velasco na isa nalang po ang natitira nating C130 ay minana natin sa Amerika. Iisa nalang po kasi dalawa dati yan yung nag-crash noong July 5 sa Sulu papalitan nalang po natin, kailangan iisa nalang. Malaking bagay po na C130 po nagagamit. Very definite roles, meron po tayong disaster relief pag may disaster,earthquake at typhoon. At meron tayong OFW repatriation ngayong pandemic. At yung PAF deployment po para yung mga pag-iikot ng mga tropa sa Pilipinas,”ayon kay Rep. Mike Aglipay.

Ani Aglipay, nakahanap ang Department of National Defense ng magandang deal para sa mga bagong C-130 J.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *