Pondo ng TUPAD program ng DOLE, inirekomendang idaan sa barangay

Pondo ng TUPAD program ng DOLE, inirekomendang idaan sa barangay

MISMONG si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ang nagmungkahi sa mga politiko na idaan sa barangay ang programa ng pamahalaan gaya ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program.

Ito’y upang maiwasan ang anumang iregularidad sa pondo ng pamahalaan.

Kasunod ito ng pumutok na anomalya sa ikalawang distrito ng Quezon City kaugnay sa hindi tamang pamimigay ng ayuda matapos kaltasan ang kanilang sahod ng mga itinuturong staff at coordinator ng mag-asawang Councilor Winnie at Congresswoman Precious Castelo.

Giit ng DOLE, wala nang mas higit na nakakakilala at nakakaalam sa mga residente nito kundi ang mismong kapitan ng barangay.

Bagay na hindi anila ito nangyari sa mga nagdaang programa na ipinatupad ng mag-asawang Castelo mula pa noong 2015.

Matatandaang halos iisa ang kumpas ng salaysay ng mga nagrireklamo sa programa dahil sa tahasang panggagamit sa kanilang pangalan ngunit hindi nila ito napakinabangan.

Habang ang iba naman ay nakatanggap ng ayuda ngunit hindi pinagtrabahuhan na taliwas sa mandato ng TUPAD program.

Nagpasalamat naman ang ilang barangay officials ng Barangay Holy Spirit at Barangay Batasan Hills sa maagap na pagtugon ng pamahalaan kaugnay sa nasabing usapin.

BASAHIN: TUPAD program sa 3 distrito ng Quezon City, pansamantalang ititigil—DOLE

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *