pumalo
Regional

Polio vaccination rate sa Davao City, pumalo sa 102%

UMABOT sa 102.65% ang polio vaccination coverage ng City Health Office ng Davao City sa mga kabataan edad limang taong gulang pababa.

Mas mataas ito kumpara sa 85 percent na target para sa buong Mindanao.

Ayon kay CHO Technical Division Chief, Dr. Julinda Acosta, tinaasan nila ang kanilang local target sa 110 percent upang masiguro na walang bata ang hindi matuturukan sa mindanao wide “Sabayang Patak Kontra Polio” na nagsimula pa noong Nobyembre -25 at magtatapos sa sabado, Disyembre a-7.

Ani Acosta, dahil sa buong Mindanao ang kanilang target, hindi lang mga bata sa Davao ang kanilang tinurukan kontra polio.

Dagdag pa ni Acosta, sa kabila ng mataas na turnout ng mga naturukang bata ay ipagpapatuloy pa rin ng kanilang hanay ang pagsasagawa ng “sweeping and mapping” strategy upang masiguro na maging ang mga hindi nila naturukang mga bata sa kanilang pagbisita ay mabakunahan.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *