Kapa Community
National

Police operation ikakasa laban sa Kapa Community Ministry International

PINAG-aaralan na ngayon ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng isang police operation laban sa Kapa Community Ministry International anumang araw ngayong linggo.

Ayon kay PNP General Oscar Albayalde, agad na magsasagawa ng case build up ang hanay ng kapulisan bukod pa sa iba pang kumpanya na sangkot sa kaparehong kaso ng pyramiding.

Itoy matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP kasama na ang National Bureau of Investigation para tingnan ang posibleng kaso na ihahabla sa grupo dahil sa panlolokong ginagawa nito sa mga miyembro na malinaw ayon sa pangulo na isang syndicated estafa.

Sa ngayon patuloy ang pangangalap ng PNP ng karampatang impormasyon at ebidensiya laban sa Kapa Ministry.

Matatandaan sa isang live guesting ni Pangulong Duterte sa Give Us This Day program ni Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Sabado, agad na ipinag-utos ng pangulo sa mga otoridad ang closure ng Kapa kasama na ang imbestigasyon dito.

Sa ilalim ng regulasyon ng grupo, hinihimok nito ang mga miyembro na maglagak ng investment kapalit ng 30% na buwanang kita mula sa capital na investment nito.

Samantala, nagpaalala ang PNP sa publiko lalo na sa mga probinsiya na iwasan ang mga ganitong alok para makaiwas sa pagkalugi ng negosyo o pera sa kabila ng magandang pangako ng mga kumpanya na sangkot sa pyramiding.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *