Jovie Espenido
National

Police Lt. Col. Jovie Espenido, kinumpirmang kabilang sa drug watchlist

KINUMPIRMA ni Interior Secretary Eduardo Año na kasama si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido sa drug watchlist ng pamahalaan.

Sa mensahe sa mga reporter, sinabi ni Año na ang alegasyon laban sa kontrobersyal na police official ay isasailalim pa rin sa validation at posibleng imbestigasyon.

Kahapon tumanggi si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na kumpirmahin ang pagkakabilang ni Espenido sa listahan at iginiit na hindi nila isasapubliko ang mga pangalang sangkot dito.

Una na ring sinabi ni Gamboa na nasa 357 na mga pulis ang sangkot sa illegal drugs trade.

Mga pulis na kabilang sa narcolist, maaaring mag-optional retirement

Hinimok ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang mga pulis na kabilang sa narco-list na mag-optional retirement na lamang.

Sa ganitong paraan ay hindi na aniya kailangan sumalang sa adjudication ng PNP ang may 357 na tinaguriang narco cops.

Makakatulong din anya ito sa imahe ng PNP kung mababawasan ang mga problema nito sa mga pasaway na pulis.

Pero nilinaw ni Gamboa na kahit piliin ng mga pulis na mag-optional retirement ay hindi nangangahulugan na maaalis na sila sa listahan o lusot na sa pananagutan sa batas.

Sa kabilang banda, hindi rin anya ito nangangahulugan na kung pinili ng mga pulis na mag-optional retirement ay guilty na ito.

Ito anya ang dahilan kaya kailangang dumaan sa proseso ang mga pulis na nadadawit sa iligal na gawain.

Ayon kay Gamboa, ang 357 na tinaguriang narco cops ay may ranggong patrolman hanggang heneral mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *