General Oscar Albayalde
National

Police General Oscar Albayalde, bumaba na sa pwesto bilang PNP chief

 

Adidas_Alpha Shoes For Women 85% Discount!

BUMABA na sa pwesto bilang PNP Chief si Police General Oscar Albayalde kasunod ng kanyang kinahaharap na kontrobersya kaugnay sa ‘ninja cops’ issue.

Sa Monday Flag Raising Ceremony ng PNP sa Camp Crame, inanunsyo ni Albayalde na nasa non-duty status na siya simula ngayong araw, Oktubre 14.

Kasabay nito, pinasalamatan din ng PNP Chief ang buong pwersa ng Pambansang Pulisya sa pagbibigay ng suporta sa kanyang administrasyon sa loob ng higit isang taon.

Gayunman, nilinaw ni Albayalde na miyembro pa rin siya ng Pambansang Pulisya hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa Nobyembre 8.

Papalit pansamantala sa puwesto ni Albayalde bilang OIC Pnp Chief si PNP Deputy Chief for administration, Lieutenant General Archie Gamboa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *