Pole Vaulter ‘Ej’ Obiena, nanalo ng gold sa Austria Tournament

Pole Vaulter ‘Ej’ Obiena, nanalo ng gold sa Austria Tournament

NANALO ng gold si Filipino Pole Vaulter Ernest John ‘Ej’ Obiena sa 17th golden roof challenge  Austria Tournament sa Innsbruck, Austria.

Bukod sa gold ng 25-year old Olympian na, nagtala din ng bagong record si EJ matapos i-clear ang 5.93 meters sa kanyang final attempt.

Nalampasan ni EJ ang personal record nito na 5.91 sa de Paris-Wanda Diamond League noong Agosto kung saan nanalo siya ng silver medal at ito na rin ang bagong Asian record na naitala.

Samantala, itinanggi naman ni Olympic medalist Hidilyn Diaz ang balitang magreretiro na ito.

Ayon sa weightlifting icon, wala pa sa kanyang plano na magretiro matapos manalo ng gold sa 2020 Tokyo Olympics noong Hulyo.

Sa ngayon, patuloy ang informal training ni Hidilyn para paghandaan ang 2021 weightlifting world championship sa Tashkent, Uzbekistan na magsisimula ngayong Disyembre.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *