Pole vaulter EJ Obiena, gold medalist sa Golden Spike Meeting sa Czech Republic

Pole vaulter EJ Obiena, gold medalist sa Golden Spike Meeting sa Czech Republic

NANALO ang Filipino pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena ng gold medal sa larangan ng pole vault.

Naganap ang patimpalak sa Golden Spike Meeting sa Ostrava, Czech Republic kahapon.

Isa na naman itong katagumpayan na nakamit ng Pilipinas sa larangan ng sports.

Bago pa man nakipaglaban sa Czech Republic, nauna ng nanalo si Obiena noong nakaraang buwan ng silver sa 13th International Triveneto Meeting sa Italy.

Nanalo rin ang Filipino athlete ng isang bronze medal sa Diamond League sa Monaco.

Habang isang silver naman sa isang virtual competition ng Finest Pole Vaulter in the World.

Matatandaang si Obiena rin ang kauna-unahang Filipino na nakapasa sa 2020 Tokyo Olympics para sa nasabing field ng sports.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *