Aseana City
Metro

POGO service provider sa Aseana City sa Paranaque City, ipinasara

IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service provider sa Aseana City sa Parañaque City.

Ito ay dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ng Altech Innovations Business Outsourcing na tinatayang nasa P100 milyong.

Lumalabas din na iligal ang operasyon ng nasabing POGO service provider dahil wala itong kaukulang permit.

Sinabi ni BIR Deputy Comm. Arnel Guballa na mayroong halos isang libong empleyado ang Altech na pawang mga Chinese national.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *