POC
Sports

POC President Ricky Vargas, tinanggal ang ilang board member

NAKARARANAS ng maigting hidwaan sa loob ng Philippine Olympic Committee o POC anim na buwan na lamang bago mag-umpisa ang Southeast Asian (SEA) Games kungsaan ang Pilipinas ang host country.

Ito’y matapos tinanggal ni Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas ang appointment ng ilang board member dahil sa kawalan niya ng tiwala at kumpiyansa sa mga ito.

Nagbunsod ito sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Vargas at ng ilang POC board members.

Kabilang sa tinanggal sa board sina Robert Bachmann, Philippine Olympic Committee former President Peping Cojuangco, Monsour del Rosario, Charlie Ho at 1st Vice President Joey Romasanta.

Nanawagan naman si Vargas na isagawa na lamang ang eleksyon sa taong 2020.

Sa kabila ng hidwaan sa POC leadership, kumpiyansa naman si Vargas na hindi ito makaaapekto sa paghahanda para sa darating na SEA Games sa bansa.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *