POC
Sports

POC, nilinaw na wala pang bagong presidente ang sports governing body

MARIING nilinaw ni Philippine Olympic Committee o POC Chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino na nanatiling bakante ang presidency position sa naturang sports governing body.

Ito ang naging pahayag ni Tolentino sa naging pulong balitaan kahapon.

Aniya, magkakaroon sila ng general assembly sa susunod na Martes, June 25 kung saan inaanunsyo din nila ang magiging petsa ng gaganaping botohan para sa susunod na POC president.

Giit pa ni Tolentino na sumusunod lang sila sa POC bylaws kung saan nangangailangan magkaroon ng eleksyon sa susunod na 30 araw kung hindi papasok sa mga qualification ang pangalawang pangulo sa pagka-presidente.

Ayon kasi sa Article 7 Section 1 na ang bawat presidente ay dapat nakapagserbisyo na ng apat na taon bilang national sports association president ng isang Olympic sports, naihalal ng isa sa mga incumbent president na nakapagrepresenta na ng isang Olympic sports at aktibo sa mga POC General Assembly sa sunod na dalawang taon.

Pagsisiwalat naman ng POC chairman na hindi kwalipikado si 1st Vice President Joey Romasanta na una nang napabalita na hahalili sa nagbitiw na si Ricky Vargas at si 2nd Vice President Antonio Tamayo kaya sinusunod lang nila ang POC bylaws.

Matatandaang biglaang nagbitiw si dating POC President Vargas sa posisyon nitong nakaraang Martes, June 18 sa kanilang executive session.

 PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano, nanatiling kumpiyansa sa magiging takbo ng 30th SEA Games sa bansa

Samantala, nanatiling kumpiyansa naman si Philippine SEA Games Organizing Committee Chairman Alan Peter Cayetano na makakapaghatid ang Pilipinas ng isang maganda, maayos at makasaysayang Southeast Asian Games.

Naniniwala si Cayetano na sa kabila ng isyu ng leadership sa POC ay magagawa nilang mapagtulungan ang layuning maging best-hosted at most viewed ang ika-30 SEA Games sa history.

Sa huli ay humingi ang PHISGOC chairman ng suporta para sa mga Pilipinong atleta, sa lahat National Sports Association at sa bansang Pilipinas.

Dagdag pa nito na bukas ang PHISGOC sa lahat ng mga input, concern at suggestion para sa mas ikakaayos pa ng nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin na sa darating na Nobyembre hanggang Disyembre.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *