PNPA, isinailalim sa lockdown hanggang sa Setyembre 30

PNPA, isinailalim sa lockdown hanggang sa Setyembre 30

NAKASAILALIM sa lockdown hanggang sa Setyembre 30 ang Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 232 kadete at 11 na personnel ng PNPA makaraang ang mass testing noong Setyembre 8.

Ayon kay PNPA Director Police Major General Gilberto Cruz, matapos ang 14 days quarantine at isolation ng mga kadete ay nagdagdag sila ng pitong araw para matiyak na maayos ang lahat.

Magsasagawa rin aniya sila ng panibagong mass testing sa lahat ng PNPA personnel.

Sinabi ni Cruz na sa ngayon ay walang severe cases sa mga pasyente at karamihan sa mga ito ay asymptomatic.

Tiniyak rin ng PNPA director sa pamilya ng mga kadete na mahigpit na minomonitor at inaalagaan ang mga ito ng medical personnel sa loob ng anim na isolation buildings sa PNPA.

Para mapigilan ang pagkalat ng virus, ipinag-utos naman ni Cruz na itigil ang lahat ng aktibidad ng mga kadete at ang pagbisita sa mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *