na Martial Law
National

PNP, wala pang assessment sa umiiral na Martial Law sa Mindanao

MASYADO pa raw maaga para bigyan ng Philippine National Police (PNP) ng assessment ang kasalukuyang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, hinihintay pa nila ang pagtatapos ng Martial Law ngayong taon upang makapagbigay ng assesment ang pulisya kung kinakailangan pa ba itong e-extend.

“Ito’y titignan natin habang papalapit yung termination o end ng Martial Law which is by the end of the year, kung posibility lang naman, maaari din namang magkaroon ng extension,” pahayag ni Col. Banac.

Gayunman, kung saka-sakali, bukas sila sa posibilidad na sa maaaring sa piling lugar na lamang sa rehiyon ang isailalim sa Batas Militar.

Matatandaang unang nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao taong 2017 dahil sa sigalot sa Marawi.

Samantala, nagbigay na ng pahayag ang Secretary of National Defense Delfin Lorenzana na may malaking posibilidad sa muling pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *