PNP, palalakasin ang pagsasanay ng AFP sa pagsasagawa ng imbestigasyon

PNP, palalakasin ang pagsasanay ng AFP sa pagsasagawa ng imbestigasyon

PALALAKASIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga aktibidad sa pagsasanay at koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na sa pagsasagawa ng imbestigasyon at crime scene preservation.

Ayon kay PNP deputy director for operations Maj. Gen. Alfred Corpus sa online briefing noong lunes ng tanghali, na importante din aniyang matutunan ng AFP kung paano magsagawa ng imbestigasyon sa mga insidente.

Inihalimbawa nito ang mga insidente sa malalayong lugar kung saan ang AFP ang nauunang dumating.

“We will be accommodating AFP in training and they will be doing the same for the PNP. One training that will be provided to the AFP is on investigation. Because in encounters, in far away areas, the AFP is first to arrive on the scene and it’s very important that evidence in the incident must be preserved,” ani Gen. Corpus.

Aniya ang hakbang na ito ay upang palakasin ang pinagsanib pwersang AFP at PNP para sa seguridad ng bansa.

Noong April 16, pinangunahan ng punong-kawani ng AFP na si Gen. Cirilito Sobejana at PNP chief Gen. Debold Sinas ang pagpupulong ng National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ipinahayag ni Sobejaa na dahil sa pinaigting na pagkakaisa sa operasyon ng pulisya at militar ay nagresulta ng pag-neutralize sa mga kaaway sa bansa.

“The increasing number of threat personalities killed, surrendered, or apprehended demonstrates that we have certainly gained substantial grounds in our efforts against the Communist Terrorist Groups (CTGs),”  ani Sobejana.

Samantala, sinabi ni Sinas na malaking tulong ang ginanap na pagpupulong ng AFP-PNP upang matugunan ang internal na seguridad ng bansa.

“Through this fruitful undertaking we are ready to look forward with optimism as we assure the Filipino people that the PNP and AFP are now better prepared, more equipped, and more confident to address the challenges ahead of us,”  ani Sinas.

Ang JPSCC ay binuo bilang sentro sa pagpapa-igting ng koordinasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng AFP at PNP upang matugunan ang mga isyu ng pangkapayapaan at seguridad ng buong bansa.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *