sa drug operations
National

PNP, nirerespeto ang pahayag ng CHR kaugnay sa drug operations

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila isinasawalang bahala ang “collateral damage” sa drug operations.

Sa panayam ng DZAR Sonhine Radio kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, sinabi nito na kanilang ginagalang ang pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat imbestigahan ang mga kaso nang mga nanlaban at “collateral damage” sa mga police operation.

Siniguro rin ni Banac na sumusunod sila sa kanilang mga patakaran at alintunin at hanggang maaari ay walang maitatalang casualty.

Kahapon nang sinibak na sa pwesto ang hepe ng Rodriguez, Rizal na si Police Lieutenant Colonel Resty Damaso at 19 na iba pang pulis na sangkot sa operasyon kungsaan nasawi ang isang batang babae, 2 suspek at 1 pulis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *