PNP, nanawagan sa publiko na huwag balewalain ang mga paalala ng LGU laban sa COVID-19

PNP, nanawagan sa publiko na huwag balewalain ang mga paalala ng LGU laban sa COVID-19

NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) ngayon sa publiko na huwag balewalain ang Local Government Units (LGU’s) na nagmamalasakit sa pagbibigay paalala laban sa banta ng COVID-19.

Ito’y matapos na ang pagibibigay paalala ng LGU’s gaya nalang ng mga barangay tanod o mga konsehal ay di pinapahalagahan ng publiko.

Sa isang panayam ng Sonshine Radio kay PNP chief of the directorial staff at ngayo’y head ng taskforce laban sa COVID-19 Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nilinaw nito na dapat sundin ang mga paalala ng mga LGU’s sa bawat lugar at hindi sa PNP lang makikinig.

“Ang sinasabi nga natin ay kailangan ang kooperasyon ng bawat isa. Hindi natin dapat i-circumvent or getting around of this kasi ‘di naman po ito para maisahan po ang gobyerno. Para maisahan ang pulis. Para to sa ating lahat. Kaya napakahalaga. Ang ating mga pulis, di po natin kayang bantayan ang kalsada, bawat sulok, remember this quarantine are is for the whole of Luzon. Kaya tayo ay nananawagan sa ating mga Local Government Units, na talagang nagtatrabaho na sana i-remind natin ang ating mga barangay through their barangay tanod na ikutan lahat.” Ang tinig ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Aminado si Eleazar na hindi nila mababantayan ang bawat sulok ng mga lugar dahil sa laki ng saklaw ng enhanced community quarantine.

Kaugnay nito, mahalaga aniya ang kooperasyon ng bawat isa para makamit ang layuning masolusyonan ang banta ng COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *