PNP
National

PNP, nakikipag-ugnayan sa mga unibersidad laban sa recruitment ng mga militante

NAKAALERTO na ang Philippine National Police o PNP sa mga school campus.

Ito ay matapos imungkahi ng ilang mga senador na paigtingin ang pagbabantay at payagang makapasok ang mga pulis sa ilang unibersidad dahil sa umano’y patuloy na recruitment ng mga militanteng grupo sa mga mag-aaral.

Sa ekslusibong panayam ng Sonshine Radio kay PNP spokesperson Bernard Banac, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa mga school administrators at opisyal ng mga paaralan upang makapagbahagi ng karagdagang kaalam at makatulong sa pagbabantay sa nasabing aktibidad.

“Sa ngayon ay lalo pa nating paiigtingin ang ating presensya sa mga campuses sa pakikipag-ugnayan na rin natin sa kanilang school administrators and school officials. Kailangan lang po na magkaroon ng pagkakataon na makapagbigay tayo ng pagkakataon para mabalanse po naman ‘yung ating freedom of education, freedom of learning and freedom of speech,” ani Banac.

Sinabi rin ni Banac na may mga paaralan na hinahayaang makapag-recruit ang mga militanteng grupo sa loob ng kanilang campus.

Maalalang umapela ang mga magulang sa Senado dahil sa pagkakawala ng kanilang mga anak na napabilang sa grupong nag-aaklas sa gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *