PNP, nakahandang mag-deploy ng trucks na magdadala ng relief goods para sa mga apektado ng enhanced community quarantine

PNP, nakahandang mag-deploy ng trucks na magdadala ng relief goods para sa mga apektado ng enhanced community quarantine

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) na i-deploy ang kanilang mga trucks kung kakailanganin ng ibang ahensya ang tulong nito sa pagdadala ng relief goods para sa apektado ng enhanced community quarantine.

Ito ang tiniyak ni PNP Police Brigadier General Bernard Banac kung saan nasa pitong trucks ang maaari aniyang i-deploy ng PNP kung sakali.

Matatandaang ang mga trucks ng PNP ay ginagamit para magdala ng mga personnel nito papunta at paalis ng quarantine control stations o checkpoints.

Samantala, nilinaw rin ni Banac na may special lanes na ang mga essential cargo trucks sa bawat checkpoints.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *