masamang panahon
National

PNP, naghahanda na sa disaster response sa panahon ng tag-ulan

NAGHAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa disaster response matapos na ideklara ng Pagasa na nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, inihahanda na nila ang mga kagamitan na gagamitin sakaling bumuhos ang malakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon.

Bukod dito, sumasailalim na rin sa pagsasanay o training ang mga tauhan ng PNP para sa search and rescue.

Una nang inihayag ng Pagasa na ang pag-ulan ay patuloy na mararanasan sa bansa partikular na sa Luzon at Western Visayas kung saan ang mararanasang ‘monsoon breaks’ o malalakas na pagbuhos ng ulan ay tatagal ng ilang araw o linggo.

Ayon sa Pagasa, ang kundisyon ng pag-ulan sa Hulyo ay inaasahang magiging “above normal” sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas samantalang ang sa Mindanao at Southern Visayas ay “generally below normal.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *