Tatlong opisyal ng PNP
National

PNP, nagbabala sa publiko laban sa mga pekeng pari na nagsusulputan sa panahon ng Undas

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng raket ng mga pekeng pari na nagsusulputan sa mga sementeryo kasabay ng paggunita sa Undas.

Ayon kay PNP Officer -in-Charge Police lt. Gen. Archie Gamboa, tuwing sasapit ang Undas ay naglilitawan din ang mga pekeng pari.

Sinabi ni Gamboa na ang mga pekeng pari ay nakasuot din ng abito, may dalang Bibliya at naniningil ng P200 pataas kapalit ng alok ng bendisyon sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay.

Inatasan ni Gamboa ang mga kapulisan na tutukan ang mga pekeng pari at iba pang masasamang elemento na maaaring magsamantala sa okasyon, kabilang na ang mga mandurukot, snatchers, bag slashers at iba pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *