Grade 7 student
National

PNP, may positibong lead sa suspek sa pamamaslang sa Grade 7 student

TINUTUGIS na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang Grade 7 student sa Castor Alviar National High School, Barangay Masili, Calamba City kamakailan.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, sinabi nito na may positibo na silang lead sa pamamaslang.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng ating mga pulis ang posibleng suspek noong pamamaslang noon sa Grade 7 na estudyante…at ah mayroon na tayong positibong lead at ito ngayon ang sinunsundan ng ating imbestigasyon,”pahayag ni Banac.

Ayon kay Banac, maraming mga testigo at CCTV na makatutulong sa isinasagawang imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Banac na patuloy ang ibinibigay na seguridad ng PNP sa palibot ng mga paaralan para sa kabutihan ng mga mag-aaral at maiwasang maulit ang pangyayari.

Kaugnay nito, inilabas na ng Calamba Police ang larawan ng suspek na kinilalang si Renan Estrope Valderama alyas Renz Ivan Valderama, 30 hanggang 35 taong gulang at isang security guard.

Si Valderama, na sinasabing bakla ang umano’y kumukupkop sa 15-anyos na biktimang si Mark Anthony Andres Miranda nang makulong sa BJMP ang ina nito dahil sa droga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *