sa full alert status
National

PNP, itataas na sa full alert status ang kanilang hanay bukas kaugnay ng SONA

ITATAAS na ng Philippine National Police sa full alert status ng kanilang hanay bukas, araw ng Sabado.

Kasabay nito, magpapakalat ng mga intellegence officer ang PNP sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulo Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, gagawin ito para maiwasan na mapasok ng mga masasamang loob ang hanay ng mga raliyista.

Muli ring tiniyak ni albayalde na 100 porsyento na silang handa para tiyakin na magiging ligtas at mapayapa ang isasagawang aktibidad ng pro at anti-Duterte groups.

Nasa 14,000 pulis ang ipakakalat sa sona kung saan 8,500 dito ay pupuwesto malapit sa Batasan Complex at security sites.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *